Saturday, May 26, 2012

Frustration Starts Now

Nakakainis na talaga. Sinabi ko naman lahat ng natatandaan ko eh. Then again, ako pa sinungaling. Tingin ba nila masaya ako sa nangyari sa pagkawala ng ipod ko? HINDI! How would you feel if sarili mong magulang, MOCKS YOU. Di ba masakit? Dapat sana sila yung taong dadamayan ka. Pero NO! THEY MOCK THE HELL OUT OF YOU. AS IF THEY'RE HAPPY. 

This is what I hate in this house. Sinasabi nila na selfish ako when in truth SELFISH RIN SILA. Yes, marami silang sinacrifice para samin pero lahat may kapalit. Kelangan mo maging perfect. Good grades are not enough. Sila lang tama, ako lagi mali. Sigaw sila ng sigaw, matataranta ka. Tapos pag nataranta ka, kasalanan mo parin. Hindi ba nila alam nahihirapan ako? Hindi ba nila alam na nakakadepress lang lalo? Hirap. Yung ipod na yun, yun lang ang gamit na maligaya ako. Madali siyang gamitin para sakin kasi hindi sila nagbigay nito sakin. Ang sakit lang eh. Yung tanging bagay na nagpapaligaya sayo, mawawala pa. Tanging bagay na mapagmamalaki mo, lumaho pa.

Hindi ko alam kung pano ko pa ilalabas lahat ng galit ko. Pag si daddy nawawalan ng gamit, tumutulong ako sa paghahanap. Minsan nga ako pag nakakahanap. Pero ngayon, HE MOCKED ME. Sinong selfish samin? Ako lang ba? Masaya siya ngayon kasi may blackberry siya na pinagmamayabang niya samin dito sa bahay. Minsan nakakarindi rin. Pag kami naman ang nagkwekwento WALA SILANG PAKIELAM. Saya. Minsang kinwento ko na gusto ko rin ng blackberry at nais kong pag-ipunan. Sinabihan niya ako na hwag ko ng ituloy dahil hindi ko kailangan. Wala ba akong karapatan makatanggap ng magandang gamit man lang?

Sana hindi nalang nawala ipod ko. Hindi ko matanggap na wala na yung ipod ko na kadamay ko sa malungkot at masasayang araw sa buhay ko. Lubos na panghihinayang at galit ang nararamdaman ko. Hindi mo siguro mapipinta ang mukha ko ngayon. 

Ngayon, wala na akong gamit na masasabing AKIN. Dahil mismo itong laptop na hawak ko, bagamat regalo sa aing 18th birthday ay kasama sa SUMBAT na matatanggap ko sa tuwing may pagkakamali ako.  

Isa nanaman itong hamon para sa akin. Ang sakit mawalan ng gamit na pinahahalagahahan mo. Nawala ng parang bula kahit pinag-ingatan mo. Pinapanalangin ko na sana, nandito lang ang ipod ko sa bahay. Siguradong, ikaliligaya ko yun. Tanging ligaya ko yun.

No comments:

Post a Comment