Saturday, May 26, 2012

Manipis na Tension

Sana nandito lang sa bahay yung ipod ko. Well, ok na ako ngayon. Nakauwi na parents ko at may dala silang pizza. Siguro tinamad si mama magluto. Nakakainis lang, nagbibiro ako kanina na baka kinuha ng duwende itouch ko, hindi ko alam sineryoso pala ng magulang ko yun. Akala yata nila nasisiraan na ako ng bait. Paiba-iba raw ako ng statements. Nasa korte suprema o senado ba ako? Prosecution duo ba ang parents ko. Strange talaga. Eng-eng ko rin kasi nagpapadala ako masyado at apektado ako agad sa accusations nila. Pero after dinner, I stood firm and told them what I know and what I remember. Sad lang kasi my sister is the only witness yet she doesn't support me much. Siguro onti lang. Pero it's not enough to convince my parents.

In other words, malungkot parin ako. Alam ko sa sarili ko na nagsasabi ako ng totoo. Hindi ako nagsisinungaling. Kung anong natatandaan ko, sasabihin ko. Mapurol man memorya ko, nagsasabi naman ako ng totoo. Hindi lang siguro kinaya ng ego at na-stress ako kakaisip. Tska ngayon pa ba ako magsisinungaling? Eh nawawala na nga yung isang precious na gamit sakin? Masakit po. 

Siguro ang pinaka-huling resort ko nalang ay manalangin. Wala namang impossible sa Kanya. 

No comments:

Post a Comment